Reflection❤️‍🩹

Me to my advisory class:

"Hi. 
I'm trying to reflect po sa mga nangyayari pa rin sa section natin. 
Hindi ko po alam kung aware ang lahat pero may nangyari na naman po. Dumadating po talaga sa point na parang hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ko na rin po alam ang nararamdaman ko.
Pasensya na po kung hindi talaga ako nagiging sapat at hindi nagiging sapat ang mga pangaral ko. Pero sana naman po ay.. kahit konti, makonsensya ang kung sino man ang gumagawa ng hindi mabuti at hindi maganda sa inyo.
Kailangan ko po munang magnilay-nilay at kausapin ang sarili ko at si Lord sa kung paano ko kayo matutulungan to be good students and to be better humans in general.
I'm sorry po if I have to leave muna ulit dito sa GC. Medyo mabigat na naman po kasi. Hindi po ako tumatakas sa responsibility ko as your adviser, as your teacher, kailangan ko lang pong magpahinga saglit at magpalakas ng loob kasi ako po talaga ay nasasaktan, nahihirapan at nakakapanghina na naman po.
Sana po ay maintindihan nyo ako. Ang mawala po muna saglit ang aking coping mechanism minsan. Pasensya na po ulit. At maraming salamat po.

Paki-pm na lang po kung may question and other concern kayo. Andito pa rin po ako para sa inyo.

Mahal ko kayo. 🤍"

Comments

Popular Posts