Nakakamiss✨


Hii. Namimiss na kita. 🌼

Sumama ako pagsundo kay Ma'am Yenn kanina. Ayoko sanang lumabas pero pinilit ako ng bunso naming si Vale. Inaantok din kasi ako at nakakatamad. Pero medyo okay din na nakalabas ako. Medyo nakalimutan ko na ang daan papunta sayo. Nakalanghap ako ng sariwang hangin kahit medyo mainit kanina. At muling nagbalik ang mga alaala ng kahapon. Mahabang panahon na rin akong nagkukulong lang sa kwarto namin. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapasok. Nakakamiss, pero okay lang. Umaasa pa rin ako na muli kitang masisilayan nang malapitan. Masaya pa rin akong natanaw kita kanina kahit saglit lang.

Makakabalik pa kaya ulit ako..
para makapagturo? 

Sana.

Pero okay lang kung hindi.

Basta, namimiss na kita. 🌼

Comments

Popular Posts