Day 50 of 365✨
Ang unang hakbang ay humiling ng pagnanasa na magpatawad.
Ang pagpapatawad ay isang proseso.
Hindi ito namamadali o pwedeng madaliin.
Gayunpaman, kailangan natin tahakin ang daan ng pagpapatawad kahit sa pagnanasa lang muna.
Sa pagsisimula natin sa hakbang na ito, dahan-dahang mawawala ang poot at galit natin.
Lahat naman yata tayo ay naghahangad na mabuhay ng mapayapa at walang poot.
Kaya sa unang hakbang na ito, magsisimula na rin ang paggaling ng ating puso.
Ang ibang mga hakbang ay darating din sa tamang panahon."
Comments
Post a Comment