Random

Lately, hindi ko na alam kung okay pa ba ako. Hindi ko na alam kung masaya pa ba ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba. Sobra akong napapagod. Sobra akong nanghihina. 

Kapag teacher ka, hindi mo pwedeng ipakita na sobrang nakakapagod.
Kapag teacher ka, hindi mo pwedeng ipakita na sobrang nakakastress.
Kapag teacher ka, hindi mo pwedeng ipakita na sobra kang nahihirapan.
Kapag teacher ka, hindi mo pwedeng ipakita na sobra kang nanghihina.

Hindi ka pwedeng lumabas ng pintuan na hindi ka handa.

Bawal kang magpakita ng kahit anumang bakas ng sakit, kalungkutan, kahirapan at kahinaan.

Dapat makikita kang matatag, malakas at punong-puno ng pag-asa.

Dapat makikita kang masaya bitbit ang iba't-iba at mahahalagang aral ng buhay.

Sa sobrang kakaisip mo na teacher ka, nakalimutan mo na tao ka rin pala.

Oo, tao ka rin.

Okay lang masaktan. Okay lang mahirapan. Okay lang maging malungkot. Okay lang maging mahina. Okay lang hindi maging okay.

Comments

Popular Posts