Random

Dear teacher,
Sa sobrang busy mo sa pagche-check ng papel ng mga estudyante, baka nakakalimutan mo nang i-check ang  iyong sarili.

Okay ka pa ba? Kaya pa ba?

Sa sobrang pag-cheer up mo sa mga estudyante, nakakalimutan mo nang i-cheer up ang sarili mo.

Sa araw-araw na pagkausap mo sa mga estudyante, nakakalimutan mo nang kausapin ang sarili mo.

Sa araw-araw na pagkumusta mo sa mga estudyante, nakakalimutan mo nang kumustahin ang sarili mo.

Check mo rin ang sarili mo Ma'am/Sir.

Hindi dapat laging papel ang nachecheck mo.. mas dapat lalong higit ang sarili mo.

Hindi pwedeng laging, "Okay lang."
Okay lang magsabi na, "Hindi ako okay."
Okay lang magpakatotoo.
Okay lang magpakita ng sakit, hirap, lungkot at kahinaan.

Okay lang hindi maging okay.

Comments

Popular Posts