Tula♡

paALAM
(Queen ft. Lies)

Paano ba malalaman na mali?
Lagi kasi naman yung nasa huli 
Yung dati nating away-bati 
Sa hirap at sakit nauwi. 

Mahirap na may iba na siya 
Mas mahirap na sila na ang magkasama 
Masakit na hindi na niya ako nakikita 
Mas masakit na yung dating kami ay wala na. 

Wag ko na daw ipagpatuloy pa 
Kasi oo, masasaktan lang ako 
Edi sana di ko na lang sinimulan pa 
Kung alam kong masasaktan lang din ako.

Wala na akong magawa kundi ang umiwas 
At baka hindi ko mapigilan luha ay bigla na lang lumabas 
Sa sakit ng damdamin ay makikitang hindi ako malakas
Dahil bumabalik at naaalala mga ala-ala ng ating nakalipas. 

Simula nung nalaman kong masaya na siya sa iba 
Sumuko na ako at wala nang nagawa pa 
Alam ko namang wala nang pag-asa 
Hanggang dun na lang, at ngayon ay aking kinakaya.

Sa una lang pala masaya, dating pagsasamang puno ng ligaya
Akala ko hanggang sa huli, tayo lang at walang iba
Ngunit ng may dumating, nagbago ka ng bigla
Kay sakit umasa ngayong mas masaya ka na.

Ano nga bang nagawa? 
Bakit bigla ka na lang kumawala
Tiwala ba ay nawala
Dahil sa pagkakamaling nagawa.

Di maisip ang dahilan
Di mawala sa isipan
Bakit tayo pinaglaruan
Ng masaklap na kapalaran

Di na umaaasang babalik ka pa
Lalo na ngayong sa puso mo'y may kapalit na
Ang sakit ngayong nagbago na
Turingan at tiwala natin sa isat isa.

Sumuko na ako, dahil di ko na kinaya. 
Ayoko na, wala ng pag asa.
Kaya sa iyoy magpapaalam na
Paalam na, sana'y maging maligaya ka.



@queenlies13

Comments

Popular Posts