Tula♡
Nagbabakasakali
Ilang araw at gabi nang tumutulo ang mga luha
Mga luha na kusang lumalabas mula sa mga mata
Mga matang laging nakasilip sa isang bintana
Isang bintana kung saan laging hinihintay ka.
Hinihintay ka at umaasa sa konting pag-asa
Konting pag-asa para tayo ay muling magkita
Muling magkita at sa akin ay sasabihin na
Sasabihin na ikaw ay di na muling lilisan pa.
Tayo ay muling babalik sa piling ng bawat isa
Bawat isa nang minsang tayo'y naging isa
Naging isa para mabuo ang lahat ng mga alaala
Alaala na ikaw at ako ang lumikha at gumawa
Gumawa ng isang pangako na sa puso'y itinaga
Itinaga kaya nagbabakasakaling darating ka
Darating ka na puno ng galak ang iyong mukha
Ang iyong mukha na bitbit ay ngiting masaya.
Ngiting masaya katulad ng huling pagkikita
Huling pagkikita noong tayong dalawa pa.
Comments
Post a Comment