Tula♡

IASA SA TADHANA

Damdaming hindi na namalayan
Damdaming hindi ko inaasahan
Pag-ibig na hindi hinayaan
Pag-ibig na isang kasalanan.

Hindi pa man naging tayo
Pero kailangan na ng hiwalayan
May pag-asa bang maging ikaw at ako?
O iasa na lang sa tadhana ng kinabukasan?

May pag-asa pa ba?
Maghihintay ka pa ba?
Kaya mo pa bang umasa?
Kaya mo bang maghintay pa?

Kung sakaling may natitirang pag-asa pa
Kung sakaling tayo'y muling pagtagpuin ng tadhana
Kung ako at ikaw ay malaya pa
Mamahalin kita ng tama, kung pwede pa.

Sa pag-ibig na walang kasiguraduhan
O sa pag-ibig na labis na tinututulan
Isip ay labis na naguguluhan
Puso ay lubhang nahihirapan. 

Patawarin sana ako sa mga darating na panahon
Pasensya sa mga bagay na unti-unting magbabago
Sayo ko na lamang ibibigay ang desisyon
Patuloy bang maghihintay o puputulin na ang pangako.

Sa aking biglaang paglisan
Walang kasiguraduhan ang pagbalik
Hinding-hindi kita makakalimutan
Kailangan ko lang mag-isip at tumahimik.

Huwag mo sanang pigilan ang iyong damdamin
Hayaan mo ang sarili kung mapapamahal sa iba
Ito ay aking buong-pusong tatanggapin
Dahil tadhana lamang ang makapagtatama sa mali ng tadhana.

Pwede rin naman na muli nating simulan
Kung sakaling muling mapagbibigyan
Hindi na para magdahan-dahan
Maaaring pwedeng nang totoong magmahalan.

Siguro hindi pa tama ang panahon
Siguro hindi ito gusto ng Panginoon
Siguro kailangan muna dumistansya
Siguro kailangan na lumayo muna.

Ito ay isang matinding rebelasyon 
Dahil ako ay mawawala at magpapaalam muna
Salamat sa isang totoo at mabuting relasyon
Ang saya at sakit ay iiwanan na muna sa mga ala-ala.

Comments

Popular Posts